“Life is too short to argue and fight,count your blessings .Value the people who love you and make the most each day.” -Life Status-
Hello ,ako nga pala si Princess Chinne Aleman Toldanes ,maaari ring tawaging “lhang” ,labing limang taong gulang(15), Ipinanganak noong sityembre 9, 2004 sa BMC NAGA CITY, Nakatira sa Lobong Bato Camarines Sur at kung minsan ay sa Sta Cruz Bato ,ako’y kasalukuyang nag aaral ,isang mag aaral sa ika 10 na baitang pangkat Albatross sa ilalim ng pamamahala ni Gng. Maria Preciousa Pontillas sa Pamabansang Mataas na Paaralan ng Nabua ,mula baitang 7 ,ako ay nagtapos sa Mababang aaralan ng lobong bilang valedictorian at hanggang ngayon consistent honor student, ako ay isang mabuti at masipag na mag aaral dahil sa gustong maabot ang aking mga pangarap at makapagtapos ng pag aaral, ako ay simple lamang ,namumuhay ng simple dahil iyun lang ang gusto ko bunsong anak ni Ginoong Primitivo Timado Toldanes at ni Ginang Charity Argarin Aleman Toldanes. Ako na lamang ang anak nilang nag aaral sa limang anak nila, Noon kami ay talagang walang wala dahil sa hirap ng buhay at di nakapagtapos ng pagaaral ang aking mga magulang kung kaya’y yun lang ang kanilang naabot nguniit sa kabila ng kahirapang iyon nag pursigi ang aking mga magulang na makaahon sa hirap magkaroon ng mas maganda o maaya ayang buhay dahil nga sa pagsasakripisyo nila at sa kabaitan ng panginoon ay ngayong nakakaaangat angat narin kami marami ang pangaral sa akin ng aking mga magulang at mga pangarap dahil sa ako na lamang ang magiging pambawi nila ,malaki ang pasasalamat ko ,namin dahil sa pagkakaroon namin ng buhay na ganto,mula pagkabata ay magastos na ako kung maituturing ,mula pagsilang sa akin, kwarta agad ang gamit ,hanggang sa maoperahan ako dahil sa appendicitis at nagkaroon na naman ng dengue kung kaya’t maraming mga problema ang aking naibigay sa aking pamilya ,iyun ay pagsubok sa aking buhay hindi lang sa akin kundi sa amin ,sa kabila noon na paghihirap na iyon palaging andyan ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang nag sakripisyo at gumawa sila ng paraan para gumaling ako, nagpupursigi sila upang matustusan ang aming mga pangangailangan at kagustuhan at dahil dun inisip kong mas pagbutihin ang aking pag aaral para sa kanila at para sa aking pangarap ,tayong lahat may sari sariling layunin o misyon sa buhay tayo ay nilikha dito na maraming tungkulin at dapat gampanin ,kaakibat nang buhay ng isang tao ang mga pagsubok o problema na tatahakin kailangan lamang lumaban at manampalataya ,ang buhay ay hindi perpekto at walang taong perpekto minsan nararanasan o nadadama natin ang kasiyahan ngunit palaging andyan ang kalungkutan ,at hindi magpapahuli ang Diyos na laging riyan para tayo ay gabayan ,maraming tao ang dumadating sa ating buhay ngunit marami rin ang umaalis ,kayat hanggat maari pahalagahan at mahalin natin ng buong buo ang mga tao o bagay na meron tayo ngayon dahil lahat ng ito ay isang biyaya galing sa panginoon at maaaring mawala anumang oras,Ang tunay na layunin ng tao sa mundo ay mag mahal ako, ikaw, tayo ay nabuhay bunga ng pagmamahalan kaya tayo rin ay magmamahal at magpapakarami ,at patuloy ako na mananampalataya sa nag iisang diyos dahil sa mga biyayang natanggap at natatanggap ko ,namin.
Balik tayo sa aking buhay (hehe)Nang matapos na ang mga paghihirap ko dahil sa mga sakit na aking naranasan ,maraming epekto naman ang dumating ,naapektuhan ang aking utak o isipan ,naging mabagal ang paggana ng aking utak dahil sa mga tinuturok na gamot at tinurok na mga anesthesia , naging makalilimutin ako at naging moody ,at para bang galit na galit ako araw araw,ngunit sa paglipas ng panahon gumanda ganda na ang aking pag uugali at nagiging mabuti narin ang aking pag iisip at pakiramdam para bang naunumbalik ,ngunit hindi na katulad ng dati.Dumating ang panahon na nagsisi ako sa mga nagyari na kahit wala akong alam sarili ko ang sinisisi ko ngunit dahil nararamdamn ko ang Diyos linalabanan ko iyon iniisip ko ang aking pamilya ang mga taong nagmamahal sa akin,kung bakit ako nandito ang tunay kung layunin at lalong lalo na dahil sa panginoong diyos ,ang buhay natin ay hiram lamang kaya kailangan natin pahalagahan, mahalin, at ienjoy ang bawat moment, bawat segundo bawat piling sa mundong ito hanapin natin ang kasiyahan at pagmamahalan para hindi tayo magisisi sa huli ,may pagakakataon rin na tayo’y nahihirapan na at mukhang hindi na kaya ,ngunit nariyan lagi ang Diyos upang tayo ay gabayan , siya’y palaging na sa tabi ko ,nating lahat , kaya ako ay patuloy na lumalaban ,para sa akin ang ating buhay ay isang malaking biyaya mula sa panginoon kung kayat ingatan natin mahalin natin at ienjoy natin , at higit sa lahat gumawa tayo ng kabutihan hindi lamang sa sarili kundi sa ispiritwal at sa kabautihang panlahat ,ngayon akoy patuloy na naniniwala ,nagtitiwala ,lumalaban ,nagmamahahal at nananampalataya.
Pinili ko ang awit na “if life is so short” dahil ito ay nagrerepresenta ng aking pagkatao, ng aking buhay, yung katangian na meron ako yung buhay na meron ako ,para sa akin gugulin natin ang bawat minuto o oras na meron tayo hanapin natin ang kasiyahan na kung saan alam mong mabuti para sa sarili mo sa pamilya ,sa kaibigan ,sa minamahal at lalong lalo na sa Diyos dahil para rin ito sa ating sarili at para hindi magsisi, nang hindi mahuli ang lahat pag dating ng panahon ,kayaif life is so short enjoy it love it!.